Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa CALABARZON, Kabikulan, Gitna at Silangang Kabisayaan, CARAGA, Aurora, Quezon, Marinduque, Mindoro, Romblon at rehiyon ng Davao sanhi ng ITCZ.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang hilagang-silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa timog hanggang sa timog-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
By Mariboy Ysibido