Binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Caraga at Davao Region, hinggil sa katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na maaaring magdulot ng mga flashflood at landslide.
Ayon sa PAGASA, ito ay kaugnay sa Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) na umiiral sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan naman ang mararanasan sa Palawan, Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao.
By Katrina Valle