Nananawagan ang Office of the President sa mga mamamahayag na iwasang mag-ulat ng mga peke at hindi beripikadong impormasyon hinggil sa sitwasyon sa Marawi City.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella matapos ang mga ulat na sinalakay at kinubkob umano ng mga miyembro ng ISIS-Maute group ang Lanao del Sur Electric Cooperative o LASURECO.
Nobenta’y singko porsyento na anyang naibalik ang power supply sa lungsod makaraang bigyang seguridad ng pamahalaan sa pamamagitan ng inter-agency task force on securing energy facilities ang LASURECO compound.
Dapat din anyang maging kalmado ang publiko sa gitna ng sitwasyon sa Marawi at iwasang magpakalat ng mga hindi beripikado o hindi kumpletong ulat.
By Drew Nacino