Tila kakaiba ang dagdag na panawagan ng Santo Papa para sa mga Katoliko na dapat na i-give up muna ng mga ito ngayong Holy Week.
Sinasabing modern twist ang panawagan ng Santo Papa na dagdag sa mga hindi dapat gawin ng mga Katoliko –ang trolling o pang-iinsulto ng tao sa social media.
Sa kaniyang mensahe sa Ash Wednesday na hudyat nang pagsisimula ng Mahal na Araw, binigyang diin ni Pope Francis na dapat nang iwasan o huwag nang gumamit ng mga useless words o mga walang kuwentang salita, tsismis, mga hinala at kung anu-ano pang panunumpa na ginagamit din ang pangalan ng Diyos.
Sinabi ng Santo Papa na ang lahat ay nabubuhay sa aniya’y ‘polluted atmosphere’ kung saan matindi ang verbal abuse, maraming nakakasakit at nakakasamang mga salita na pinalalala pa at iniimpluwensyahan ng internet.
Sa mga nakalipas na panahon, si Pope Francis ay naging biktima rin ng mga insulto mula sa ultra conservative Catholic websites at maraming anonymous anti-pope Twitter feeds.