Isang itim na banner ang inilalad sa control tower ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaninang umaga.
Ito kung saan nakasulat sa naturang itim na banner ang mga katagang “Mayday, Mayday” na may kahulugang emergency.
Pero sa panayam ng DWIZ kay NCR Aviation Security Unit Chief Senior Superintendent Adolfo Samala, wala namang emergency situation sa naturang control tower.
Ito ay dulot lamang aniya ng ikinasang silent protest ng mga empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Tiniyak naman ni Samala na walang biyahe ng mga eroplano ang naapektuhan ng naturang protesta ng mga taga-CAAP at nananatiling normal ang operasyon sa paliparan.
Bahagi ng pahayag ni Aviation Security Unit-NCR Chief Senior Supt. Adolfo Samala
By Ralph Obina | Karambola | Raoul Esperas (Patrol 45)
Photos/ Video and Report from Raoul Esperas (Patrol 45)