Balanse ang interes ng mga magsasaka at mamimili matapos maipatupad ang Suggested Retail Price sa sibuyas.
Inihayag ito ni ASec. Kristine Evangelista kasunod nang itinakdang P250 SRP ng sibuyas sa mga pamilihan.
Napagdesisyon nila ito anya matapos tumaas sa P600 ang kada kilo ng presyo nito.
Sinunod ng kagawaran ang farm gate price ng sibuyas sa halagang P190 bilang konsiderasyon sa mga magsasaka.
Samantalang P60 naman ang SRP para sa mga biyahero at tindero para sa kanilang kita ng kada kilo ng sibuyas.