Iisnabin ni Senador Antonio Trillanes ang itinakdang review ng Kongreso sa draft ng federal charter.
Ito ang kinumpirma ng mambabatas sa DWIZ kahit pa hawak na ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso ang kopya ng binalangkas na draft ng Consultative Committee o ConCom.
Ayon kay Trillanes, kahit pagsilip sa nilalaman ng panukalang federal charter ay hindi niya ginawa.
Sabi ko, hindi ako pupunta kasi alam ko na kapag nagkaroon ng Constituent Assembly, back to zero iyan. Wala ni-isa diyan ang mananaig kapag sinabi ni Speaker Alvarez na ayoko niyan, tanggal ‘yan. Bakit ko pag-aaralan ang isang dokumento na alam kong ibabasura naman dahil sa kagustuhan nito ni Duterte?
Iginiit din ng senador na noon pa naman siya tutol sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na Pederalismo.
Ang proseso ay kapag iyang draft na iyan, kapag nag-convene ang Constituent Assembly, kahit pirmado doon na iyan ipapasok kapag nagkaroon ng Constituent Assembly. Kaya ‘yung pinag-uusapan na ganito ganyan mangyayari, wala po iyan lahat.
Dahil dito, tiyak anyang mababaliwala ang pinaghirapan ng ConCom.
Sinasabi na maglalagay na provision na bawal na ang dynasty, ipapasok ang anti-dynasty. Maniwala naman kayo na pagititbayin ng mga Kongresista iyan, eh si Duterte mismo, hindi ba dynasty ‘yung ginawa niya sa Davao?