Inirereklamo ni Ateneo de Manila University’s Rizal Library Director Vernon Totanes ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine National Library Director Ceasar Gilbert Adriano.
Sa kanyang inihaing letter of complaint sa tanggapan ng Ombudsman, iginiit ni Totanes na labag sa batas ang pagkakatalaga kay Adriano dahil hindi ito lisensyadong librarian.
Batay aniya sa Repbulic Act 9246 o The Philuppine Librarianship Act, tanging mga kwalipikado at lisensyadong mga librarians lamang ang maaaring italaga sa lahat ng government libraries sa bansa.
Dagdag ni Totanes, hindi lamang maituturing na isang krimen ang pagtatalaga sa mga hindi kwalipikadong indibidwal, kundi paglabag rin sa Anti-Graft and Corruption Act.
Nilinaw naman ni Totanes na hindi siya interesado sa posisyon at nais lamang niyang mapangalagaan at ipagtanggol ang kanilang propesyon bilang mga librarian.