Gumuho ang itinatayong flyover sa Aguinaldo Highway sa Daang Hari road sa Imus City sa Cavite pasado alas onse kwarentay singko kagabi.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP-CALABARZON Regional Director Chief Supt. Guillermo Eleazar na hindi natantya ng tama ng operator ng crane ang ikinakabit nitong beam
Itong anim na beams, o tinatawag na girdle ng ginagawang flyover ay bumagsak. Accidentally ‘yung crane operator, na-miscalculate ‘yung paglalagay ng girdle, na nag-resulta sa pagbagsak nung 5 pang remaining na girdle. So ‘yung anim na beams ay bumagsak. Pahayag ni Eleazar
Nabagsakan ang isang truck na pagmamay-ari ng contractor at isang motorsiklo na pagmamay-ari naman ng isang traffic enforcer.
Wala namang nasugatan o nasaktan sa aksidente.
Pero nagdulot ito ng matinding trapik dahil humambalang ang mga nagbagsakang semento sa kalsada.
Ayon kay Imus Mayor Emmanuel Maliksi, inaasahan nilang matatapos ang clearing operations sa kalsada ngayong tanghali.
Tinatayang aabot sa higit 10 milyong piso ang halaga ng pinsala sa aksidente.
TINGNAN: Bahagi ng ginagawang flyover sa Aguinaldo Hiway cor. Daang Hari Rd sa Imus, Cavite, bumagsak; truck at motorsiklo, nadaganan.
Ayon sa PNP, walang nasugatan sa aksidente : Mayor Maliksi @dwiz882 pic.twitter.com/BGKZUHl3Ns
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 19, 2018
TINGNAN: Clearing operations sa gumuhong flyover sa Aguinaldo Highway cor. Daang Hari Imus, Cavite, nagpapatuloy; Baradong kalsada, inaasahang malilinis na ngayong tanghali : Mayor Emmanuel Maliksi @dwiz882 pic.twitter.com/5im2SN8jji
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) May 20, 2018