70 porsyento nang kumpleto ang state of the art sports complex na itinatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac para sa 30th Southeast Asian Games.
Sa buwan ng Agosto, tinatarget ng developer na MTD Philippines, BCDA at Department of Transportation (DOTr) na matapos ang nasabing venue.
Bahagi ng New Clark City National Government Administrative Center ang 20,000 seat athletics stadium, 2,000 seat aquatics center at athletes village.
Mayruon ding 1.4 kilometer park ang nasabing venue sa kahabaan ng Cutcut river na may bikeways, jogging paths at amphitheaters.
Halos 60 sports ang bahagi ng sea games kung saan maglalaro ang halos 10,000 atleta mula sa labing isang bansa at ang Clark ang magiging sentro ng sea games mula November 30 hanggang December 11.