Maituturing na malaking pagkakamali ang pagtatayo ng drug rehabilitation center sa Nueva Ecija, na may kakayahang tumanggap ng hanggang 10,000 pasyente.
Ayon kay Dangerous Drugs Board o DDB Chairman Dionisio Santiago, masyadong naging excited sa proyekto ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang makakatulong aniya kung ang ginastos sa mega rehab ay ginastos sa pagpapagawa ng maliliit na rehabilitation centers na may kakayahang tumanggap ng 100 hanggang 200 pasyente sa mga komunidad.
Dahil aniya sa layo ng lugar sa Nueva Ecija, lalong mahihirapang gumaling ang drug addict dahil wala itong maaasahang suporta ng pamilya na nasa malayong lugar.
Sa ngayon, nasa mahigit 300 lamang ang drug dependents na nasa mega rehab.