Itinuturing na banta sa kapayapaan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang itinayong parola o lighthouse sa artipisyal na isla ng China sa Zamora o Subi Reef.
Ayon kay DFA Spokesman Asst. Sec. Charles Jose, mariing tinututulan ng Pilipinas ang lahat ng mga ginagawang hakbang ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Malinaw aniyang paglabag ito sa deklarasyon sa pagitan ng China at ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN noong 2002 hinggil sa conduct of parties sa nasabing karagatan.
Sinabi pa ni Jose, pinatutunayan lamang ng China na hindi ang Pilipinas kundi sila ang nagpapainit ng sitwasyon taliwas sa kanilang mga pahayag.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AP/XINHUA