Tinanggihan ni Top Rank CEO Bob Arum ang itinutulak ni Coach Freddie Roach na sagupaang Manny Pacquiao at undefeated American boxer Danny Garcia sa susunod na taon.
Ayon kay Arum, mas nais niyang makalaban ni Pacquiao si Kell Brook na kasalukuyang IBF Welterweight Champion lalo’t nagkaroon na ng informal talks sa pagitan ng kampo ni Pacquiao at Brook.
Napipisil din ni Arum si Amir Khan na susunod na kalaban ng Pambansang Kamao sa halip na si Garcia na may hawak ng WBA light-welterweight belt.
Hindi naman idinetalye ng Top Rank Promoter ang dahilan ng kanyang pagtanggi na makasagupa ni Pacman si Garcia.
By Drew Nacino