Tinutulan ng United Sugar Producers Federation, ang Sugar Liberalization na itinutulak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na nagpapahintulot sa mga industrial user na direktang mag-import ng asukal.
Ito’y para pagbigyan ang mga industrial user sa gitna ng plano ng pamahalaan na taasan ang buwis sa sugar sweetened beverages.
Dahil dito, nanawagan si UNIFED President Manuel Lamata, kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., pigilan ang sugar liberalization dahil ito ang pumapatay sa kabuhayan ng nasa 5 milyong pilipino na umaasa sa industriya ng asukal.
Binigyang-diin ni Lamata, na hindi ikinunsulta ng DOF sa sugar industry ang naturang plano at hindi rin isinaalang-alang ang mga consumer kung saan, nagiging komplikado na ang dagdag na buwis para sa publiko.
Sa kabila nito, umaasa ang grupo na hindi papaboran ni Pangulo Marcos, ang mungkahi ng DOF at uunahin ang kapakanan ng mga magsasaka at consumer.