Patay ang itinuturing na most wanted personality sa Las Piñas matapos ang isang shoot-out sa anti drugs operation.
Kinilala ni Las Piñas police director senior Supt. Jemar Modequillo ang suspek na napatay na si Allan Asibar at arestado naman ang drug suspect na si Jennifer Natera.
Ayon kay Modequillo tinangka pang tumakas ni Asibar nang magtatakbo sa madamong bahagi ng lugar kung saan nakipag palitan siya ng putok sa mga otoridad sa naturang one time, big time operation.
Isang caliber 38 pistol ang narekober kay Asibar na wanted sa kasong pagnanakaw
Samantala arestado rin sa parehong operasyon si Jennifer Natera na nakuhanan ng 7 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
Itinanggi ni Natera na nagbebenta siya ng shabu at nauna na aniya siyang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Dinampot din sa operasyon ang 20 kalalakihan para sa kaukulang verification.
By: Judith Larino