Nilinaw ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality Chairperson Risa Hontiveros na hindi ibabatay sa international standards ang pagtuturo sa Comprehensive Sexuality Education.
Ayon kay Senador Hontiveros, gagamitin lamang na gabay ang mga international standards na nakabatay naman na guidelines ng UNESCO at World Health Organization.
Kung mayroon mang anyang hindi akma sa konteksto at kultura ng Pilipinas ay hindi ito gagamitin.
Binigyan-diin pa ng Senador na kapakanan at proteksyon pa rin ng mga bata ang pangunahing layunin ng nasabing panukalang batas. – Sa panulat ni Kat Gonzales