Sumuko sa binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit sa lalawigan ng Palawan.
Batay sa impormasyong ipinarating sa Kampo Crame, kinilala ni Police Regional Office 4B Spokesperson P/Ltc. Imelda Tolentino ang suspek na si Mariano Quioyo.
Ayon kay Tolentino, sinabi ni Quioyo na may banta umano sa kaniyang buhay kaya’t ninais niyang magpasailalim sa kostudiya ng pulisya.
Dahil dito, ipinag-utos ni P/Col. Nicolas Torre na siyang pinuno ng SITG Magcamit na dalhin si Quioyo sa pangangalaga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lalawigan ng Palawan.