Arestado ang itinuturong Secretary General ng Communist Party Of The Philippines (CPP) sa isinagawang raid ng mga otoridad sa isang condominium sa quezon city.
Nadakip si Esterlita Suaybaguio sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Quezon City Regional Trial Court branch 89 Executive Judge Cecilyn Burgos Villavert para sa kasong illegal possession of firearms and explosives.
Narekober naman ng mga otoridad sa safehouse ni Suaybaguio ang isang K9mm pistol, granada at ilang dokumento.
Ikinasa ang pagsalakay sa pangunguna ni NCRPO Chief Major General Guillermio Eleazar kasama si AFP NCR Commander Brig. General Alex Luna, QCPD Director Brig. General Joselito Esquivel at NCRPO Deputy Director for Operations Brig. General Crizaldo Nieves.