Nasakote na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang utak umano sa pagpatay sa international race car driver na si Ferdinand “Enzo” Pastor.
Pasado alas-8:00 kagabi nang madakip ng NBI-NCR ang negosyanteng si Domingo “Sandy” de Guzman sa isang safehouse sa Silang, Cavite.
Nananatili namang at-large ang isa pang akusado sa kaso na si Dalia Guerrero Pastor, na asawa ni Enzo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NBI-NCR Director Atty. Max Salvador na nagsagawa muna ng masusing surveillance ang mga ahente ng NBI bago natimbog si de Guzman.
Gumagamit aniya si de Guzman ng iba’t ibang pangalan kaya’t hindi ito agad natunugan ng mga awtoridad.
“Doon sa ni-rentahan niyang motel ang nilalagay niyang pangalan, every month kasi nagbabago, minsan pangalan ng babae, minsan pangalan ng lalaki, yung huli niyang ginamit na pangalan ay Dennis Guerrero.” Pahayag ni Salvador.
By Jelbert Perdez | Drew Nacino | Ratsada Balita