Inatasan na ni PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang lahat ng opisyal ng pambansang pulisya na itodo pa ang kampanya kontra iligal na droga.
Gayunman, ipinaalala ni Dela Rosa sa mga kapwa pulis na dapat ay alinsunod sa batas at police operational procedure ang mga ikakasang operasyon upang maiwasan ang problema.
Ibinabala rin ni Bato na hindi niya sasagutin ang mga tauhang lalabag sa batas kahit ginagampanan lamang ang tungkulin.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
SMW: RPE