Ilalarga na ang clinical trials ng Ivermectin bilang lunas sa COVID-19.
Ayon sa DOST-Philippine Council for Health Research and Development, isasagawa ang walong buwang pag-aaral simula Agosto 1.
Ilulunsad ito ng mga taga-U.P.–PGH sa pangunguna ni Dr. Aileen Wang.
Layunin nitong alamin ang datos kung epektibo at ligtas ang viral clearance ng Ivermectin sa mga asymptomatic at non-severe cases. —sa panulat ni Drew Nacino