Hindi suportado ng datos o siyentipikong basehan ang sinasabing bisa ng anti-parasitic drug na Ivermectin.
To ang binigyang diin ni Dr. Edsel Salvana na isang infectious disease matapos pagkalooban ng compassionate use permit ng Food and Drug Administration (FDA) ang Ivermectin bilang lunas laban sa COVID-19 sa isang partikular na ospital.
Giit ni Salvana, kilala ang Ivermectin sa South America bilang gamot kontra bulate at iba pang parasitiko ngunit marami aniyang gumagamit dito laban sa coronavirus dahil sa pagiging desperado.
Paliwanag ng eksperto, kung ang pagbabasehan ay ang mga datos, lumalabas na hindi ito uubra sa COVID-19.
Bunga nito, muling ibinabala ni Salvana na maaaring magdulot ng side effects ang Ivermectin sa sinumang iinom o gagamit dito.