Walang bisa laban sa COVID-19 ang anti-parasitic drug na Ivermectin.
Ito ang inihayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa.
Aniya, naging malawak ang ikinasang clinical trial sa Ivermectin at nakitang wala itong naging benepisyo sa mga COVID-19 patients.
Dahil dito, ipinahinto na ng Department of Science and Technology (DOST) ang ginagawang pag-aaral dito batay na rin sa rekomendasyon ng Deparment of Health at DOST- Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD).