Nagpalabas ng iwas ‘akyat-bahay’ safety tips ang National Capital Region Police Office o NCRPO para sa matiyak na ligtas ang mga iiwanang bahay sa paggunita ng undas.
Layon nitong mapag-ingat ang mga may-ari ng tahanan na bibiyahe sa mga lalawigan mula sa mga posibleng magsamantala o magnakaw.
Ayon kay NCRPO Director C/Supt. Oscar Albayalde, dapat itago ang mga mahahalagang gamit na nasa labas ng bahay tulad ng bisikleta, motorsiklo o mga damit sa sampayan.
Hindi rin dapat maglagay ng karatula sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao at iwasan din ang pagpo-post sa social media hinggil sa mga planadong biyahe.
Pinatitiyak din ni Albayalde sa publiko na bigyang seguridad ang mga iiwanang tahanan sa Metro Manila kung walang maiiwan na miyembro ng pamilya.
By Jaymark Dagala / (Photo Credit: Romeo Ranoco/Reuters)