Inihain na ni Akbayan Party-List Rep. Perci Cendaña sa Kamara ang panukalang mas magpapaigting sa pagpapatupad ng anti-drunk driving law.
Ipinanukala ni Cong. Cendaña ang anti-impaired driving act of 2024 o ang “iwas amats, iwas aksidente” Bill para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista matapos uminom ng alak.
Sa ilalim ng nasabing panukala, mas hihigpitan ang pagsasagawa ng mga breathalyzer tests.
Sinabi ng mambabatas na mula 2015 hanggang 2019, 5,213 sa 18,735 nasawi sa aksidente sa kalsada ay alcohol-related. – Sa panulat ni John Riz Calata