Inilunsad na ng Department of Health (DOH) ang kanilang kampanya kontra paputok.
Kasabay ng opisyal na pag-arangkada ng Anti-Firecracker Campaign na may temang “Sa Ingay, Walang Sablay, Sa Paputok Goodbye Kamay,” umapela si Health Secretary Janette Garin sa mga lokal na pamahalaan na ipagbawal na ang paputok lalo ang piccolo.
Binigyang diin ni Garin na karamihan sa nadidisgrasya sa mga paputok ay mga batang edad 8 hanggang 16.
Ito anya ang dahilan kaya’t agresibo rin ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa Department of Education upang mabigyan ng gabay ang mga bata.
Ang unang insidente ng firecracker casualty ay naitala sa Ilocos Norte kung saan isang lalaking edad walo ang nasugatan dahil sa pagpapaputok ng piccolo.
By Drew Navino | Aya Yupangco