Umarangkada na ang kampanya kontra paputok ng Department of Health (DOH), ilang linggo bago ang pagdiriwang ng bagong taon.
Sinimulan ng DOH ang kanilang Iwas Paputok Campaign sa Dagupan City ngayong araw.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, patuloy nilang hinihimok ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga paputok at sa halip ay gumamit na lamang ng ibang bagay para makapag-ingay sa pagsalubong ng bagong taon.
Mahigpit ding pinapayuhan ni Duque ang mga umiinom ng alak na mag-ingat sa paggamit ng paputok dahil karamihan aniya sa mga naitatalang biktima ay mga lasing.
Samantala, nilinaw naman ng DOH na bumaba na ng halos 70% ang kanilang naitalang mga biktima ng paputok sa pagdiriwang ng bagong taon nitong 2019 kumpara noong 2018.