Ipinatuturo ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mobile phone manufacturers, distributors at dealers kung paano maiiwasan ng mobile phone users ang text scams.
Batay sa , Memorandum Order no. 14 na nilagdaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, dapat ipatupad ang sumusunod na mga hakbang:
- Pagtuturo sa mga mobile phone users kung paano i-block ang mga text na mula sa mobile numbers na wala sa kanilang contact lists.
- Dapat maglagay ang mga mobile phone manufacturers, distributors at dealers ng poster sa kanilang physical store na nagsasaad ng impormasyon sa paggamit o pag-activate ng text blocking, spam folder at iba pa.
- Kailangan ring maglagay ng leaflets sa package ng mga bagong mobile phones na naglalaman ng impormasyon hinggil sa nasabing text blocking.
Samantala, ipinag-utos ng ntc ang agarang pagpapatupad ng memorandum order sa loob ng 15 araw.