Matapos ang 2 taon ng pagiging married couple ay soon to be parents na sina Iya Villania at Drew Arellano.
Masayang inanunsyo ni Arellano sa kanyang Easter Sunday Instagram post, na nagdadalang-tao na ang asawang si Iya.
Sa larawan makikitang may naka-drawing na Easter egg sa tiyan ni Iya at may caption na: “I found an EGG… and FERTILIZED it! Hahahahaha! Wohoooooooo! Happy Easter it is!”
Bumuhos naman ang mga pagbati sa mag-asawa mula sa kanilang kaibigan, pamilya at mga supporters.
Matatandaang tumagal ng 10-taon ang relasyon nina Drew at Iya bago ikinasal noong February 2014.