May bago na namang pelikula ang aktres na si Iyah Mina.
Matatandaang gumawa ng kasaysayan sa Philippine Cinema ang aktres si Mina makaraang tanghalin ito bilang kauna-unahang transgender na nanalo ng best actress award sa 2018 Cinema One Originals Filmfest entry na “Mamu: and a Mother Too.”
Sa nasabing palabas, ginampanan ni Mina ang papel ng isang matandang sex worker at adoptive mother.
Samantala, malapit na ring i-release ang unang pelikula ni Mina ngayong pandemic na pinamagatang “Ayuda Babes” na nakatuon sa buhay ng mga taong naghagilap ng ayuda noong quarantine period.