Nanindigang “Kapamilya forever” si Iza Calzado sa virtual mediacon ng Maalala Mo Kaya.
Nang tanungin si Iza kung bakit siya Kapamilya pa rin sa kabila ng pinag daanan ng network, tugon ni Iza, ito ay dahil naniniwala siya na Diyos na ang naglagay sa kaniya kung nasaan man siya ngayon.
Dagdag pa ni Iza hindi naman siya naghahanap ngayon ng anomang pagbabago sa kaniyang buhay dahil masaya at kuntento siya ngayon.
Lalo rin aniya lumaki ang respeto niya sa network at iba pang nakiisa sa kanilang laban.
Kaya naman ani Iza, siya ay very proud na Kapamilya.