Engaged na ang aktres na si Iza Calzado sa kanyang British entrepreneur boyfriend na si Ben Wintle.
Ito ang masayang ibinalita ng ilan sa kanilang malalapit na kaibigan nitong Linggo.
Ibinahagi ng fashion designer na si Rajo Laurel ang isang larawan habang nakaluhod si Ben at nagpo-propose kay Iza.
May caption itong: “IZA SAID YES!”
So thrilled to witness & capture this beautiful moment of my friends engagement! ❤️❤️❤️ Love this couple to bits. Congratulations @missizacalzado & @benmwintle A post shared by Rajo Laurel (@rajolaurel) on
congratulations @benmwintle and best wishes @missizacalzado. you know i can’t do cheesy… but you know i luv you guys! A post shared by kat cruz-villanueva (@iamkatrinacruz) on
Si Iza at Ben ay limang taon nang magka-relasyon na unang nagkita noong 2011 sa isang magazine event.
Sa mga nakaraang interview sa Kapamilya actress ay inamin nitong heartbroken siya noong time na ma-meet niya si Ben.
“That was the first night that I told myself na I’m going to stay out, socialize, mingle, and hopefully meet somebody. I was really looking for a foreigner that night kasi I’ve never dated a foreigner.”
Ayon kay Iza si Ben ang unang lumapit sa kanya at tinanong siya nito kung puwede siyang ma-add sa Facebook.
“Tinawanan ko siya kasi ang daming mga fake accounts sa Facebook. So sabi ko, ‘you know what, let’s not complicate things. Just get my number.’ Ganun kasi naiirita ako pag madami pang games.”
At doon na nagsimula ang lahat…ayon kay Iza isa sa mga nagustuhan niya kay Ben ay ang pagiging patient nito.
Samantala, narito ang closer look sa engaement ring ni Iza na ibinahagi ng isa sa kanyang malapit na kaibigan.