Nasawi sa New Bilibid Prison (NBP) ang lider ng isang investment firm na nasa likod ng multi-bilyong Pyramiding Scam.
Ayon kay Deputy Director General Gabriel Chaclag ng Bureau of Corrections, nakuha na ng pamilya niya ang mga labi ni Jachob “Coco” Rasuman na nasawi dahil sa heart attack.
Si Rasuman, anak ni dating Public Works Undersecretary Bashir Dimaampo Rasuman ay itinuturong utak ng investment scam na nakakulimbat umano ng mahigit P247 million mula sa daan-daang investors hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Singapore.
Naaresto noong 2012 sa Marawi si Rasuman at dinala sa Maynila matapos kasuhan ng Syndicated Estafa kasama ang siyam na iba pa.