Sinampahan ng Volunteers Against Crime and Corruption sa Department of Justice o DOJ ng reklamong paglabag sa Anti-Dummy Law ang online gambling operator na si Jack Lam at 4 na iba pa.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng VACC, kwestyunable kung sino ang mga tunay na nagmamay-ari ng Fort Ilocandia.
Inihirit ng VACC sa DOJ na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa Fort Ilocandia at nanawagan ang mga ito kay Jack Lam na sagutin ang isyu.
Bukod kay Lam, kabilang pa sa kinasuhan ng palabag sa 40% foreign ownership requirement para sa mga negosyo sa Pilipinas sina Rosanno Nisce na Dating Presidente ng Fort Ilocandia; Siu Wha Chung na isang British National at Dating Chairman ng Board of Directors ng Fort Ilocandia; Dating Treasurer at Director nito na si Edgar Lim; gayundin ang Dating Secretary at Director ng kumpanya na si Jose Roberto Mumuric.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo