Nasungkit ng isang lucky bettor ang jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw nitong Huwebes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, isang mananaya lamang ang nakakuha ng winning number combination na 05-03-10-17-43-49.
Nagkakahalaga ang premyo ng P125,692,139 at 20 centavos.
Wala namang nakahula sa winning combination na 35-34-14-22-06-33 sa lotto 6/42 draw na may mahigit P5.9 milyon na premyo.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico