Lumapit na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na dalawang beses ma-hack ang kaniyang facebook account.
Ayon sa aktres, narecover niya nitong sabado, November 26, 2022 ang kaniyang FB account at nakapagpalit na rin siya ng password, pero nagawa pa rin itong buksan ng hacker.
Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi muna siya nagme-message at nagpopost sa social media.
Nagbabala rin ang aktres sa mga kakilala na kung makatanggap na mensahe galing sa kaniyang account, lalo na kung ito ay tungkol sa pera ay huwag paniwalaan.