Nasungkit ng primyadong aktres na si Jaclyn Jose ang best actress award sa katatapos lamang na prestihiyosong Cannes Film Festival.
Ito ay para sa hindi matatawarang pagganap ni Jaclyn sa pelikulang “Ma’ Rosa” sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Ginampanan ni Jaclyn ang papel bilang isang small time drug dealer na nalaglag sa kamay ng batas.
Ayon kay Jaclyn, ang pelikulang “Ma’ Rosa” ang pinakamalaking hamon sa kanyang 30 taong career bilang artista.
Ito ay dahil sa inatasan siyang huwag umarte at bagkus ay magpakatotoo lamang sa buong takbo ng pelikula.
Sa pag-akyat sa entablado ni Jaclyn para kunin ang award, bakas sa mukha ng aktres ang sobrang katuwaan at hindi ito makapaniwala sa nakamit niyang tagumpay.
“I was just sitting there watching the stage how nice it… is and how come in the Philippines we can’t make this, just these simple things and then they call my name. So I got surprised. I’m so happy really, really.” Pahayag ni Jose.
“But of course I’m proud so proud of our film. We just don’t know how the people would react or will like our film but us, we know that we did our best and we know that we have a good film.” Dagdag nito.
Bahagi ng pahayag ni Jaclyn Jose
By Ralph Obina
Photo Credit: Alberto Pizzoli/AFP | @Festival_Cannes