Tila sumabog na parang bulkan ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose matapos mag-post ng mga batikos at panunumbat kina Jake Ejercito at ina nitong si Laarni Enriquez.
Sinabi ni Jaclyn na ubos na ang pasensya niya kay Jake na sinumbatan nitong ni isang piraso ng mineral water ay hindi nabilhan ang apo niyang si Ellie.
Ayon pa kay Jaclyn, huwag palabasin ni Jake na hindi kayang buhayin ng anak niyang si Andi ang anak nitong si Ellie gayung tatlong taon bago nito inamin na siya ang ama ng bata at hindi aniya kilala ng mga ito ang kaniyang anak.
Tinuya pa ni Jaclyn si Jake na ibalik na ang kaniyang apo dahil bibilhan pa niya ito ng uniform at school supplies.
Ibinunyag pa ni Jaclyn na noon pa nila batid na ayaw ni Laarni Enriquez kay Andi.
Ang pagsasalita ni Jaclyn ay may kinalaman sa isinampang petition for joint custody ni Jake para sa anak nila ni Andi.
Samantala, nais naman ng pamilya Ejercito na maayos ang nasabing usapin sa pamamagitan nang pagtatakda ng Korte ng schedule kung kailan uubrang mahiram ni Jake ang anak na si Ellie na hindi naman aniya nila gustong agawin.
Sa pinakahuling report, tinawag namang ‘uncalled for’ ni Andi ang nasabing post ng kaniyang ina.
By Judith Larino