Sinagot na ng JaDine o nina James Reid at Nadine Lustre ang matagal nang isyu na sila’y magka -ive in na.
Sa isang panayam, iginiit ni Nadine na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita.
Ang totoo lamang aniya ay pumupunta sila sa bahay ng isa’t isa.
Ngunit nang tanungin kung pinapayagan silang mag–overnight ay saka na ito tumangging sumagot.
Matatandaang ilang beses na lumabas ang nasabing balita at ilang beses din itong iniwasang sagutin ng sikat na magkasintahan.