Umikot na ang kamera para sa bagong TV series ng real life loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre sa Greece na ‘Till I Met You.’
Sa instagram posts ng Dreamscape Production, ibinahagi nito ang ilang larawan ng JaDine sa ilang kalsada sa Greece habang sinu-shoot ang ilang eksena ng mga karakter nitong sina Iris (Lustre) at Sebastian (Reid).
Kasama rin ng dalawa ang theater actor na si JC Santos na gaganap na gay lover ni Sebastian sa teleserye.
Una nang ipinahiwatig ni Nadine sa isang interview na magkakaroon ng LGBT storyline ang bagong proyekto.
“Super brave nitong teleserye na ito. It’s something na unusual dito sa atin,” Pahayag ng aktres.
Sa direksyon ni Antoinette Jadaone, inaasahang magsisimula na sa Setyembre ang Till I Met You at ang mga unang eksenang ipapakita ay kinunan sa Greece.
Photos: Screengrab from dreamscapeph / Instagram