Masayang-masaya ang aktres na si Nadine Lustre sa naging mainit na pagtanggap ng mga tao sa librong isinulat nila ng boyfriend na si James Reid, ang ‘Team Real’.
Tinanggap ni Lustre ang isang plake ng pagkilala para sa libro na naging National Book Store’s top bestseller para sa buwan ng Hulyo.
Aniya nasorpresa siya dahil isang buwan pa lang mula nang ilabas nila ang libro ay tinangkilik agad ang ‘Team Real’.
Idinagdag ni Nadine na super thankful siya sa suportang natatanggap nila mula sa mga fans.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Nadine na plano na nila ni James na maglabas ng Part 2 ng libro.
“Gusto rin namin ni James na magkaroon ng part two ang ‘Team Real’ kasi para lahat ma-i-share namin sa fans. Meron pa kaming mga travels. Maraming bagay ang hindi umabot nang i-publish ang ‘Team Real,‘” Pahayag ng dalaga.
Samantala sa ngayon aniya ay ini-enjoy muna nila ni James ang kanilang short break bago ang kanilang upcoming series na ‘Till I Met You’.
Ito na ang ikalawang seryeng pagtatambalan ng dalawa matapos ang matagumpay na “On the Wings of Love” (OTWOL).
Sa direksyon ni Antoinette Jadaone, una nang sinabi ng ‘JaDine’ na ang ‘Till I Met You‘ ay mas ‘mature’ kumpara sa mga nakalipas nilang proyekto.
Photos: Screengrab from nadine lustre and viva artist agency/ Instagram