Tinatayang kalahati ng mga nakakulong sa mga detention facilities sa Cagayan Valley Region ay nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Ayon sa Bureau of Jail and Management and Penology o BJMP, 45 porsyento ng mahigit 1,000 populasyon ng mga bilangguan sa rehiyon ay may kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.
Paliwanag ni Jail Chief Inspector Juliet Miranda, pinakamarami naman sa mga nakakulong ay may mga kasong murder at robbery.
Dahil dito, problema na ng BJMP ang tumataas na bilang ng mga naka-detine at inaasahang mas lalo pa itong dadami sa pagpasok ng Duterte administration.
Iminungkahi rin ng nasabing kawanihan ang pagpapatayo ng mga bagong kulungan upang matugunan ang lumalalang jail congestion.
By Jelbert Perdez