Patay ang isang jail guard sa isinagawang buy bust operations ng mga pulis sa Basey Samar kahapon.
Ayon kay Eastern Visayas Police Regional Office Spokesperson Chief/Inspector Bella Rentuaya, napatay ang suspek na si Aristotle Fernandez nang nagtangka itong bumunot ng baril habang inaaresto sa barangay Buscada.
Si Fernandez ay isang jail guard sa Sub Provincial Jail sa Basey at kabilang sa listahan ng high value target ng Samar Police Provincial Office.
Nakuha naman sa suspek ang kanyang service firearm at ilang plastic sachet ng mga hinihinalang shabu.