Arestado ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos nitong muntik nang mapatay ang isang driver ng ride-hailing app sa Quezon City.
Si Jail Officer 2 Aron Paul Bartolome, 41- anyos, ay nahaharap sa mga reklamo para sa grave threat, illegal discharge of firearm at malicious mischief.
Inakusahan si Bartolome sa pamamaril sa isang 42- anyos na driver sa Barangay Pansol
Si Bartolome, na sinasabing lasing, ay nagpa-book ng sakay sa may Mayon Avenue, na tinanggap naman ng riding hailing app driver.
Habang papunta sila sa drop-off point sa kanto ng Katipunan Avenue at La Vista Subdivision, bumunot ng baril si Bartolome na nasa back seat at nagpaputok
Ngunit nakaiwas ang biktima at tumama ang bala sa kaliwang salamin ng bintana ng sasakyan.
Inaresto ng pulisya si Bartolome matapos makahingi ng tulong ang biktima sa dalawang pulis na naka-beat patrol sa lugar
Narekober sa suspek ang 9mmilimeter na baril at isang basyo ng bala.
Dinala si Bartolome sa Quezon City Police District Headquarters sa camp karingal para sa tamang disposisyon