Tuluyan nang sinibak sa puwesto ang jail warden ng Puerto Princesa City Jail sa Palawan.
Ito’y makaraang pumayag si Jail Supt. Don Paredes na magsagawa ng pulong balitaan si dating Palawan Governor Joel Reyes habang nasa kanilang kostudiya noong Biyernes.
Batay sa ipinalabas na pahayag ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Region 4-B, layon nitong bigyang daan ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at matukoy kung sino ang nagbibigay kay Reyes ng special treatment.
Kasunod nito, pansamantalang itinalaga si Jail Sr. Insp. Ariel Pabulayan bilang officer in charge sa nasabing bilangguan.
By Jaymark Dagala