Inamin mismo ni Jak Roberto na hindi talaga siya ang ‘bet’ ni Barbie Forteza noong una, bagama’t matagal inya nang type ang aktres.
Tugon naman dito ni Forteza, sinimulan niyang tanggapin ang panunuyo ni Jak matapos na mag-aprub dito ang kanyang mga magulang.
Sa isang interview, ibinahagi nina Jak at Barbie kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Maraming beses na umanong nagpaparamdam noon si Jak kay Barbie.
May pagkakataon pa nga daw na nagbibigay ng chocolate ang aktor habang nasa taping sila ng isang indie film, ngunit binabalewala lamang daw ito ng aktres dahil marami rin umanong mga umaali-aligid sa kanya.
Pero dahil daw sa tradisyunal na panliligaw ni Jak kaya’t nakuha nito ang boto ng mga magulang at ang matamis na “oo” ni Barbie Forteza.
Sa isang TV program kagabi, nagpalitan ng Valentine’s message ang magkasintahan, na agad sinundan ng isang matamis na halik.