Dinampot ng awtoridad ang aktor na si Jake Cuenca matapos mabangga ng SUV nito ang isang police mobile.
Ayon kay EPD director police brigadier general Matthew Bacay, pasado alas-9 ng gabi nang mabangga ng SUV ni Cuenca ang police mobile, subalit hindi ito huminto hanggang sa magkahabulan hanggang makorner ang sasakyan ng aktor sa Shaw Blvd., Pasig City.
Sinabi ni Bacay na si Cuenca ay sumailalim na sa medical examination kaninang umaga at inaasahang isasailalim sa inquest proceeding dahil sa isasampang kasong reckless imprudence resulting in damage to property ng Mandaluyong Police laban sa aktor.
Wala namang nakitang ilegal sa loob ng sasakyan ng aktor.
Samantala, stable na ang isang driver na tinamaan ng stray bullet matapos mayroong magpaputok habang hinahabol ng mga Pulis si Cuenca.