Kinumpirma ng aktor na si Jake Cuenca na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si model Sara Grace Kelley.
Ayon kay Jake, kung dati ay nagkaproblema sila at nagkabalikan naman, ngayon ay ‘final’ na ang kanilang split up.
Sinabi ng binata na sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon pero hindi talaga uubra kaya’t tuluyan silang naghiwalay.
Paliwanag ni Jake, bagama’t alam niyang nasasaktan din ang dalaga, ipinahiwatig niyang mayroon silang ‘conflict of interests’.
Dagdag ng aktor, tanggap na niya ito at unti-unti na siyang nakaka-move on sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng modelong si Sara Grace.
By Jelbert Perdez
Photo: Screengrab from Instagram/@juancarloscuenca