Kung kahapon ay itinanghal na best actress sa Cannes film festival sa France ang primyadong aktres na si Jacklyn Jose, nasungkit naman ngayon ng aktor na si Jake Cuenca ang best actor award sa 2016 World Cinema Festival sa Brazil.
Ito ay para sa kanyang pagganap sa indie film na ‘Mulat’.
Sa kanyang Instagram account, binati ni Jake ang kanyang direktor sa pelikula na si Marian Diane Ventura, cast at crew ng pelikulang ‘Mulat’ na nagwagi ding best narrative feature award.
Ang awarding ceremony ay gaganapin ngayong weekend sa JW Marriot hotel sa Copacabana, Brazil.
By: Ralph Obina