Nangako si Youtuber turned boxer Jake Paul na patutumbahin nito sa kanilang darating na laban si Ultimate Fighting Championship (UFC) Middleweight World Champion Anderson Silva.
Ayon kay Paul, na may 5-0 record at apat na knockouts bilang prizefighter, na lumaki siyang pinanonood si Silva na lumalaban.
Inamin din nito na iniidolo niya ang Mixed Martial Arts (MMA) Legend ngunit sa oras aniya na magkaharap niya ito sa ring sa October 29 sa Gila River Arena sa Arizona, USA ay target niya na i-knockout ito.
Mababatid na Silva ay nakikitang may malaking advantage parin kay Paul sa kabila ng pagiging kwarenta’y siete anyos nito.
Samantala na noon lamang nakaraang taon nang magretiro si Silva mula sa MMA at nag-transition sa boxing, kung saan may hawak ito na record ngayon na 3-1 with 2 knockouts.